Paano mapapanatili ng mga guro, estudyante, at iba pang staff ng eskwelahan ang kanilang kalusugang pisikal at mental?
- Kumain ng masustansya at laging isaisip ang prinsipyong Pinggang Pinoy ng DOH.
- Iwasang kumain ng pagkain na sobrang tamis, alat, at taba.
- Uminom ng tubig na hindi bababa sa 1.5 litro araw-araw.
- Mag-ehersisyo araw-araw. Siguraduhin na hindi ito bababa sa 15 minuto para mas mapabuti ang resistensya.
- Magkaroon ng sapat na tulog. Matulog ng hindi bababa sa 7-8 oras na tulog kada araw.
- Regular na makipag-usap sa mga kaibigan sa pamamagitan ng tawag o video chat sa social media.
Paano makatutulong ang mga guro, estudyante, at iba pang staff upang mabawasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa eskwelahan?
- Sa pagpasok sa eskwelahan, ipa-check ang sarili sa naka-assign na tao para malaman kung may mga sintomas ng sakit.
- Kailangang isuot ang personal protective equipment ng school personnel na mayroon contact sa mga estudyante at iba pang staff ng eskwelahan (security guards, maintenance crew, mga tumatao sa kantina)
- Magsuot ng facemask.
- Panatilihing malinis ang kamay:
- Hugasan ang kamay gamit ang sabon o tubig sa loob ng 20 segundo o higit pa.
- Kung walang sabon at tubig, gumamit ng sanitizer na may 70% alcohol.
- Iwasan ang paghawak sa mukha lalo na sa mata, ilong, at bibig.
- Gawin ang tamang pag-ubo: Takpan ang ilong at bibig kung uubo o babahing gamit ang tisyu o siko. Agad na itapon ang ginamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
- Regular na mag-disinfect:
- Iwasan ang paghiram ng mga gamit pang-eskwelahan kung posible. Kung talagang kinakailangan, i-disinfect ng 70% alcohol ang hiniram bago gamitin.
- I-disinfect ang laging ginagamit na mga bagay gaya ng cellphone, susi, salamin, keyboard, at iba pang personal na gamit gamit ang 70% alcohol solution.
Paano makatutulong ang mga school administrator upang mabawasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa eskwelahan?
- Turuan ang mga estudyante at mga empleyado ng tamang paghuhugas ng kamay, physical distancing at iba pang preventive measures.
- Isama ang oras ng paghuhugas ng kamay sa schedule ng mga estudyante.
- Maglagay ng mga dispensers na may alcohol-based hand rubs sa mga pampublikong lugar.
- Panatilihin ang maayos na bentilasyon.
- Maglaan ng sapat na supply sa lugar na madaling makuha, kasama dito ang tisyu at mga basurahan na hindi kinakailangang hawakan.
- Linisin ang mga surfaces at mga bagay na madalas na hinahawakan tulad ng mesa, doorknobs, telepono, computer keyboards, at mga gamit sa pagtuturo. Itapon ang laman ng mga basurahan pag napuno na.
- Panatilihin malinis ang kapaligiran lalo na ang mga lugar na ginagamit ng lahat tulad ng elevators, railings, hagdanan, switch ng ilaw, at iba pang mga katulad nito.
Paano mababawasan ang pakikisalamuha sa mga taong posibleng mayroong COVID-19?
Para sa mga guro, estudyante, at iba pang staff :
- Ang pag-aaral sa bahay ay maaaring gawin kung posible.
- Kung hindi posible, sundin ang tamang physical distancing. Magkaroon ng hindi bababa sa isang metrong layo mula sa mga ka-eskwela.
Para sa school administrators:
- Hangga’t maaari, gawin ang telecommuting sa pamamagitan ng video o telephone conferences sa halip na magsasama-sama sa isang silid-aralan
- Iwasan ang mga aktibidad na magiging sanhi ng pagtitipon ng malaking bilang ng mga estudyante at staff gaya ng flag ceremony o recognition rites.
- Iwasan ang mga aktibidad na magiging sanhi ng pagkakaroon ng malapitang pakikisalamuha sa pagitan ng mga estudyante at staff.
Paano mababawasan ang pagtagal ng COVID-19 infection?
Para sa mga guro, estudyante, at iba pang empleyado:
- Para sa mga banayad na sintomas (lagnat, ubo, sore throat, at iba pang respiratory symptoms) manatili sa bahay at magpahinga. Maaari rin tumawag sa TELEMEDICINE hotline para sa konsultasyon sa numerong (02) 8424 1724 (Telimed Management Inc. and Medgate) o (02) 7798 8000 (Global Telehealth, Inc.).
- Para sa malubhang sintomas (hirap o pag-iksi ng paghinga, paulit-ulit na pagsakit o paninikip ng dibdib, pagkabalisa, pangingitim ng labi o mukha): tumawag sa inyong lokal na BHERT o sa DOH hotline sa numerong (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network. Titingnan at papayuhan kung kailangang magpakonsulta at pumunta sa pinakamalapit na health facility.
Para sa school administrators:
- Ang mga guro, mga estudyante, at iba pang empleyado na may sintomas ay hindi na dapat pang papasukin sa paaralan.
- Sa sitwasyong ang mga guro, mga estudyante, at iba pang staff ay biglang nagkaroon ng sintomas sa paaralan, sila ay dapat na agad i-isolate at i-refer sa healthcare provider ng paaralan para sa tamang pangangalaga.