English
English

Sama-sama nating labanan ang COVID-19!

#BeatCOVID19

HOTLINE: (02) 894 - COVID (26843)

1555 para sa lahat ng subscribers

MGA ESTRATEHIYA NG GOBYERNO
  • Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Public Health Emergency, at pinatupad ang enhanced community quarantine sa kabuuan ng Luzon. Bukod sa Luzon, sumailalim din sa community quarantin ang ibang lugar sa bansa base sa patakaran ng kanilang lokal na pamahalaan.

    Binigyan ang pangulo ng emergency powers upang mabilis na mapatupad ang mga hakbang para labanan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamaraan ng edukasyon, deteksyon, proteksyon, at paggamot.


    Maaaring dagdagan ng pamahalaan ang pondo ng DOH upang maisaayos ang mga prevention and emergency response initiatives. Maaari ring gamitin ang dagdag-pondo para sa kakailanganin ng mga government hospitals at mga COVID-19 referral hospitals.

    Inaatasan ang bawat LGU na pigilin ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang jurisdiksyon sa pamamagitan ng mga safety and health promotion measures at pagsasaayos ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).

     

    Na-update ng Abril 10, 2020

  • Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga licensed testing centers, testing kits, at mga referral hospitals ng COVID-19. Marami pang mga mapagkukunan ang inilalaan upang suportahan ang laban sa COVID-19.

     

    Testing Centers

    Hanggang Mayo 20, 2020, mayroon nang 31 na sertipikadong laboratoryo para sa full scale testing: 

    • NCR
      • Research Institute for Tropical Medicine
      • San Lazaro Hospital
      • UP National Institutes of Health
      • Lung Center of the Philippines
      • St. Luke's Medical Center- QC
      • The Medical City - Ortigas
      • Victoriano Luna - AFRIMS
      • Detoxicare Molecular Diagnostics Laboratory
      • St. Luke's Medical Center - BGC
      • Makati Medical Center
      • Philippine Red Cross
      • Chinese Gen. Hospital
      • PRC-PLMC
      • Philippine Genome Center UP-Diliman
      • Marikina Molecular Diagnostic Laboratory
      • UP-PGH Molecular Laboratory
      • Singapore Diagnostic, Inc.
      • Asian Hospital & Medical Center - New!
    • CAR
      • Baguio General Hospital and Medical Center
    • Region III
      • J B. Lingad Memorial Hospital
    • Region IV-A
      • De La Salle University - Cavite 
      • Lucena United Doctors Hospital and Medical Center - New!
    • Region V
      • Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory
    • Region VI
      • Western Visayas Medical Center
    • Region VII
      • Vicente Sotto Memorial Medical Center
      • Cebu TB Reference Laboratory
      • Allegiant Regional Care Hospital - New!
    • Region VIII
      • Eastern Visayas Regional Medical Center
      • Divine World Hospital - New!
    • Region IX
      • Zamboanga City Medical Center - DA Satellite Lab - New!
    • Region X
      • Southern Philippines Medical Center

    Kasalukuyang ina-assess din ang iba pang publiko at pribadong laboratoryo. 

     

    Testing Kits

    Pabibilisin ang pagsusuri at pag-apruba sa mga testing kits, ang testing para sa mga PUM at PUI, at ang maagap na paggamot sa mga pasyente. Ang gastos para sa paggamot ng mga COVID-19 patients ay popondohan sa ilalim ng NHIP. 

     

    Mga Pasilidad
    Ang sumusunod ay COVID-19 referral centers:

    • The Philippine General Hospital sa Maynila
    • Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium sa Caloocan
    • Lung Center of the Philippines sa Quezon City

     

    Mga mapagkukunan

    • Babayaran ng gobyerno ang mga private hospitals,medical, and health facilities para sa kanilang serbisyo laban sa COVID 19.
    • Pansamantalang pinapayagan ang importasyon at automatic clearing ng mga certified health products upang mapabilis ang distribusyon ng mga ito.
    • Pansamantalang tinatanggal ang buwis para sa mga PPE, upang palaguhin ang supply ng mga ito. Padadaliin din ang procurement process para sa mga testing kit, gamot, at mga sanitation and health-related goods/equipment.
    • Para sa distribusyon ng mga gamit para sa mga ospital at health facility, narito ang order of prioritization:
      • mga pampublikong ospital na itinalagang COVID-19 referral hospitals
      • mga pribadong ospital na may kakayahang gamutin ang mga pasyenteng may COVID-19
      • pampubliko at pribadong laboratories na may kakayahang mag-test sa mga pasyenteng maaaring may COVID-19.

     

    Ang kabuoang breakdown ng ulat ng araw-araw na distribusyon ng mga pangangailangan ay maaaring makita sa: https://bit.ly/DOHCommDistribution

    • Aatasang tumulong sa mga kasalukuyang medical frontliners at makatatanggap ng sweldo ang mga temporary human resources for health (HRH).  Makatatanggap din ng hazard duty pay mula sa pamahalaan, bukod pa sa sweldo, ang mga frontline HRH.
    • DILG 2020-062: Inaasahang itatalaga ng mga LGU ang kanilang buong kakayahan para labanan ang COVID-19 pandemic. Ipinagbabawal ang mga LGU na gamitin ang mga DepEd schools bilang quarantine o isolation areas nang walang permiso mula sa DepEd.

     

     

  • Edukasyon

    Idineklara ang kanselasyon ng klase sa lahat ng antas habang nasa Enhanced Community Quarantine. Gayunpaman, sisiguraduhin ng mga paaralan na magpapatuloy pa rin ang pag-aaral. Idineklara rin ang suspensyon ng mga malalaking pagpupulong. 

    Kawalan ng Trabaho

    Ang Social Amelioration Plan ay inilunsad kamakailan ng gobyerno upang magbigay ng ayuda para sa mga benepisyaryo na galing sa mga pinakamahihirap na pamilya o indigents, mga self-employed, at ang mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

    Kasapatan ng Pagkain

    1. Tuloy-tuloy ang pagbiyahe ng lahat ng kargamento sa buong Luzon. 
    2. Maaari lamang magbenta at bumili ng sapat na pangangailangan para sa loob ng isang linggo.
    3. Magtatalaga ng mga quantity limits para sa mga sumusunod na produkto para maiwasan ang hoarding: 
      • Non-food: alkohol, hand sanitizer, sabon, toilet paper, face mask
      • Food: instant noodles, de latang sardinas, de latang gatas, powdered milk, kape, tubig, tinapay
    4. Bawal itaas ang presyo para sa mga pangunahing bilihin habang may Public Health Emergency. Maaaring kasuhan ang mga lumabag dito.
    5. Ang mga pamamaraan sa akreditasyon ng mga supplier na naghahatid ng ani ng agro-pangisdaan at mga input, mula, at papuntang NCR ay mapapagaan.

     

    Nasa laylayan ng lipunan

    1. Magbibigay ang gobyerno ng PhP 5,000 -PhP 8,000 bawat buwan sa susunod na dalawang buwan para sa mga low income households. 
    2. Pansamantalang padadaliin ang procurement process sa mga produkto at serbisyong makatutulong sa pagbibigay ng ayuda para sa mga apektadong komunidad.
    3. Pansamantalang ihihinto ang pagbabayad ng utang ng mga magsasaka at mangingisda sa DA-Agricultural Credit Policy council.
    4. Maaaring dagdagan ang pondo ng DA para sa cash assistance ng mga magsasaka ng palay sa pamamagitan ng Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) program. 
    5. Bibigyang prayoridad ang mga programa ng DSWD na nagbibigay tulong sa pamamagaitan ng food and non-food items, livelihood assistance programs, at supplemental feeding program para sa mga daycare children. Bukod pa rito, palalawakin at dadagdagan pa ang Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

     

    Mga Negosyo

    1. Hinihikayat ang mga flexible work arrangement para sa kapakanan ng mga manggagawa.
    2. Ang mga negosyong nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo tulad ng manufacturing at retail ay mananatiling bukas, alinsunod sa mahigpit na social distancing measures;
    3. Mahigpit na poprotektahan ang mga konsumer mula sa mga anti-competitive practices. 
    4. Maaaring dagdagan ng pamahalaan ang pondo ng DTI para masuportahan ang Livelihood Seeding Program at ang Negosyo Serbisyo sa Barangay.
    5. Ang mga deadline para sa filing of taxes, fees, at mga iba pang mga singil ay papalitan para sa kapakanan ng mga negosyo.

     

    Kapayapaan at Kaayusan

    1. Idineklara ang State of Public Health Emergency dahil sa banta sa seguridad ng bansa dulot ng epidemic.
    2. Paparusahan ang mga magkakalat ng maling inpormasyon  tungkol sa krisis ng COVID-19.
    3. Magtatatag ng mga checkpoint at magtatalaga rin ng strict home quarantine ang mga LGU . Ang mga indibidwal na may gate pass lamang ang maaring lumabas.

     

     

    Na-update ng Abril 10, 2020

  • 1. Inaatasan ang mga LGU na maging lider ng kanilang nasasakupan sa mga panahon ng krisis. 

    2. Inaatasan ang mga LGU na ayusin ang transportasyon para sa mga skeletal workforce ng mga estalblisyamentong nagbibigay ng mga pangunahing bilihin, pati na rin ang mga displaced/stranded na manggagawa sa kanilang lugar.

    3. Hinihikayat ang mga kumpanya saconstruction, manufacturing, at services na magbigay ng pansamantalang tirahan para sa mga manggagawa sa labas ng NCR. Ang mga negosyo naman ay kinakailangang maghanda ng response plan laban sa COVID-19, at magimplementa ng mahigpit na sanitation at reporting ng mga empleyadong may sintomas. 

    4. Ang mga sumusunod na establisyamento lamang ay maaaring manatiling bukas na may skeletal workforce: 

    - Pagmamanupaktura ng pagkain, hygiene products, at medical products 
    - Mga supermarket, butika, at convenience stores
    - Mga ospital at clinic
    - Food preparation and water refilling stations
    - Delivery services ng mga pangunahing pangangailangan
    - Bangko 
    - Kuryente, enerhiya, tubig, telecom, at waste disposal
    - Export at BPO

     

    Na-update ng Abril 10, 2020

  • 1.  Lahat ng public health worker ay bibigyan ng "COVID-19 special risk allowance" na bukod pa sa hazard pay;

    - Lahat ng medical expenses ng pampubliko at pribadong health worker ay sasagutin ng PhilHealth sakaling magkaroon ng COVID-19 exposure o kahit anong work-related injury or disease sa gitna ng emergency 

    - Ang mga pampubliko at pribadong health worker na magkaroon ng malubhang COVID-19 infection habang ginagampanan ang tungkulin ay bibigyan ng P100,000.00. Kung sakaling mamatay, bibigyan ng P1,000,000.00 ang health worker.


    2. Pansamantalang pabibilisin ang procurement process para sa pagpapaupa at pagtatag ng real property para sa mga health workers, o para magsilbing quarantine center, aid distribution center, o pansamantalang health facility.

    3. Inaatasan ang mga LGU na payagan ang mga frontline health worker na bumiyahe papuntang ospital nang walang pag-aantala.

     

    Na-update ng Abril 10, 2020

BACK TO MENU