Sama-sama nating labanan ang COVID-19!
#BeatCOVID19
HOTLINE: (02) 894 - COVID (26843)
1555 para sa lahat ng subscribers
Ang mga employer ay marapat na magsagawa ng estratehiya na magpapababa ng bilang ng tao sa lugar ng trabaho. Ito ay makakabawas ng pangangailangan ng paglalakbay, kasama na rito ang pagta-trabaho na lamang sa bahay para sa mga gawaing magagawa sa bahay at para sa mga empleyadong may mataas na panganib.
May mataas na panganib ang mga empleyadong may edad 60 at pataas; mga empleyadong kahit anong edad na may mga sakit tulad ng altapresyon, diabetes, cancer; o mga empleyadong may maseselang pagbubuntis.
Oo; ang mga pasilidad sa trabaho ay marapat na mayroong pang-screen sa mga empleyado para sa mga sintomas na tulad ng sa trangkaso. Ang pagsusuri ng temperatura at tamang pag-disinfect para sa mga taong pumapasok at lumalabas ay dapat ding mahigpit na ipatupad.
Ang mga interbensyon sa lugar ng trabaho tulad ng pag-iwas at pagkontrol sa mga impeksyon ay dapat na ipatupad sa pamamagitan ng pagtaguyod ng kalinisan sa katawan, kalinisan sa kapaligiran, tamang pag-disinfect, physical distancing, edukasyon sa kalusugan, at iba pang pampublikong panukala para sa kalusugan at kaligtasan.
Hindi; ang mga empleyado na may sintomas at may nagkaraang paglalakbay/exposure sa may COVID-19 sa petsa ng pagbabalik sa trabaho ay hindi maaaring magbalik trabaho at dapat na magpakonsulta. Hinihikayat na gamitin ang telemedicine para sa tamang pangangalaga at koordinasyon.
Kung positibo sa COVID-19 ang isang empleyado, marapat siyang ma-isolate at isangguni para sa tamang pangangalaga. Marapat ding ma-isolate at ma-test ang mga naging close contact nito.
Kung negatibo sa unang test ang isang empleyado ngunit nagkaroon ng mga sintomas, marapat na ma-test siya uli. Marapat ding ma-isolate at ma-test ang mga naging close contact nito.
Ang mga sumusunod ay mga gabay para sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine, mula sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines ng IATF:
Pinipigilan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang pagkalat ng virus sa isang komunidad. Nililimitahan nito ang paggalaw ng mga tao upang lumiit ang tsansang mahawa o makahawa sila ng iba.
Poprotektahan tayo nito, lalo ang mga mahal natin sa buhay na pinakananganganib magkasakit.
Ang mga sumusunod ay isasagawa sa ilalim ng enhanced community quarantine:
Makakatulong ka sa pamamagitan ng:
Na-update ng Abril 10, 2020
Ang “Community Quarantine” ay isang estratehiya para limitahan ang paggalaw ng mga tao upang maiwasan ang paglaganap ng virus. Ito ay may dalawang uri:
a. GENERAL COMMUNITY QUARANTINE – kung saan ang paggalaw ng mga mamamayan ay limitado lamang sa pangangalap ng mga pangunahing pangangailangan at paghahanapbuhay; magtatalaga ang pamahalaan ng mga unipormadong indibidwal, tulad ng militar at kapulisan, at mga quarantine officers na magbabantay sa mga hangganan ng mga siyudad at munisipalidad.
b. ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE – kung saan ang mahigpit na home quarantine o pananatili sa loob ng tahanan ay ipatutupad sa lahat ng mga kabahayan; sa panahong ito ay sususpendihin din ang pampublikong transportasyon; kontrolado ng pamahalaan ang pagtatakda ng pagkain at mga pangunahing serbisyong pangkalusugan; at lalong paiigtingin ang presensya ng militar at kapulisan upang ipatupad ang quarantine procedures
Na-update ng April 10, 2020
Ang LGU, o lokal na pamahalaan, ang siyang magpapasyang isailalim ang kanilang lugar sa quarantine. Ang pagpapatupad ay may pagsaalang-alang sa mga kautusan ng Department of Health (DOH) and the Department of Interior and Local Government (DILG).
Sinimulan ipatupad ng mga LGU ng Luzon ang Enhanced Community Quarantine noong ika-17 ng Marso 2020 hanggang sa hatinggabi ng ika-30 ng Abril 2020 pagkatapos ito'y idineklara ng Pangluo noong ika-16 ng Marso 2020. Alinsunod sa kapangyarihan na ito ng LGU ay iba-iba ang antas ng pagpapatupad sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad. Sa Quezon City, ang lokal na pamahalaan ay nagpasya nang ilagay ang ilang bahagi ng siyudad sa “extreme enhanced community quarantine” sa pamamagitan ng pagdeklara ng “hot zones” o mga lugar kung saan may tatlong taong nakatirang kumpirmadong tinamaan ng Covid-19, at pagmarka ng “warm zones” (lugar na nasa loob ng 500-metro ng mga idineklarang hot zones). Ang mga residente sa hot zones ay isasailalim sa mahigpit na pagsubaybay at pagmamanman sa lahat ng oras at hindi pahihintulutang lumabas ng kanilang mga bahay, habang ang mga nakatira sa warm zones ay kailangang dumaan sa mga checkpoints na itinalaga ng Quezon City Police District.
Na-update ng Abril 10, 2020
Pamilya
Ipinagbabawal ang paglabas ng bahay. Tanging papayagan lamang ay ang pagkuha ng pangunahing pangangailangan tuload ng pagkain at gamot.
Trabaho
Ang lahat ng opisinang kabilang sa ehekutibong sangay ng gobyerno ay hinihikayat na sumailalim sa work from home arrangement.
Pinapayagan ang mga BPO, bangko, at mga exporter na magpatuloy sa kanilang operasyon gamit lamang ang kanilang skeletal workforce.
Paaralan
Suspendido ang klase sa lahat ang antas. Ito ay magpapatuloy sa 04 Mayo 2020.
Pagkain
Sapagka’t mahalaga ang suplay ng pagkain, ang lahat ng magsasaka, manggagawang bukid, mangingisda at mga tauhan ng agribusiness na MALUSOG AT WALANG SINTOMAS ng sakit ay pinapayagang magtrabaho kahit sa panahon ng Enhanced Community Quarantine. Maari pa ring magpatuloy ang lahat ng gawain na may kaugnayan sa pagsasaka at pangingisda.
Libangan
Hindi muna magpaptuloy ang lahat ng operasyon ng mga establisiementong may kaugnayan sa libangan. Gayunpaman, may mga aktibidad na maaaring hanapin online upang mapaglibangan. Regular na pag-eehersisyo sa bahay ay makakatulong din upang magpalipas ng oras.
Transportasyon
Suspendido ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa panahon ng enhanced community quarantine. Kabilang dito ang tricycle at pedicab.
Na-update ng Abril 10, 2020
Mananatiling bukas ang mga ospita, medical clinics, parmasya at mga botika. Ang mga doktor ay maaaring magbigy ng electronic prescriptions gamit ang email.
Na-update ng Abril 10, 2020
1. Tuloy pa rin ang pamimigay ng cash grants sa mga benepisyaryo ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
2. Ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng sinumang Pilipinong magkakasakit sa COVID-19 ay babayaran ng PhilHealth.
Na-update ng Abril 10, 2020
Lahat ng taong dumating sa Pilipinas ay kailangang magpa-COVID-19 test gamit ang RT-PCR o rapid antibody test, depende sa kanilang risk level. Kailangan nilang sumailalim sa thermal scanning at medical assessment pagdating nila sa Pilipinas, at kailangan rin nilang kumpletuhin ang mga health declaration cards at/o iba pang may kaugnayang dokumento.
Lahat ng taong dumating sa Pilipinas ay kailangan ring mag-quarantine sa mga stringent quarantine facilities o quarantine hotels na inaprubahan ng Bureau of Quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang COVID-19 tests.
Ang mga positibo sa COVID-19 ay ililipat sa ospital para sa karagdagang atensyong medikal. Ang mga negatibo sa COVID-19 ay maaari nang umuwi o pumunta sa monitoring facility upang sumailalim sa 14 na araw ng quarantine.
Basahin ang buong DM dito.
Ang operasyon ng mga pribadong establisiemento na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo kagaya ng produksyon ng pagkain at gamot ay pinapayagang magpatuloy kung ito ay sumailalim sa skeletal workforce.
Na-update ng Abril 10, 2020
Tuloy ang operasyon ng mga kompanyang nagbibigay ng serbisyo tulad ng tubig, kuryente, telecommunications, pangungulekta ng basura, punerarya, at mga gasolinahan sa panahon ng ECQ.
Na-update ng Abril 10, 2020
Ang LGU ay maaaring magpataw ng MAKATAO at MAKATARUNGANG parusa sa lumabag sa curfew.
Na-update ng Abril 10, 2020
Ang ECQ ay magtatagal hanggang 30 Abril 2020, alinsunod sa anunsyo ng IATF at ng Presidente.