Sama-sama nating labanan ang COVID-19!
#BeatCOVID19
HOTLINE: (02) 894 - COVID (26843)
1555 para sa lahat ng subscribers
1. Kung ikaw ay nakakaranas ng bahagyang sintomas SUBALIT hindi ka naninirahan sa lugar na nasa ilalim ng ECQ o hindi ka nagpunta sa lugar na nasa ilalim ng ECQ, manatili lamang sa tahanan at magpahinga. Hindi kailangan pumunta sa doktor o mag-pa-test.
Bahagyang sintomas (1-14 araw ng exposure):
2. Kung may bahagyang sintomas AT naninirahan sa isang lugar na naka-ECQ o nagpunta sa isang lugar na naka-ECQ, tawagan ang inyong lokal na Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at ipaalam sa kanila. Imomonitor ka araw-araw ng BHERT, at papayuhan kung kailangan mong humingi ng medikal na atensyon at testing. Mangyaring manatili lamang sa bahay at magpahinga. Huwag lalapit sa mga kasama sa bahay sa loob ng 14 na araw upang imonitor ang iyong kondisyon.
3. Kung malubha ang iyong sintomas, tawagan ang lokal na BHERT o ang DOH hotline - (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network subscribers. Tutulungan ka nila kung kailangan mo ng medikal na atensyon at kung kailangan mai-refer sa pinakamalapit na ospital.
Malubhang sintomas:
Maaring tawagan ang mga sumusunod na numero upang makipag-usap sa mga doktor para sa libreng* konsultasyon anumang oras sa pamamagitan ng telepono.
Telimed Management Inc. and Medgate Hotline |
02-8424-1724 |
Global Telehealth, Inc. (KonsultaMD) |
02-7798-8000 |
Ang mga hotline ay magagamit 24/7. Para sa karagadagang impormasyon tungkol sa telemedicine, i-click ito.
*Maaaring may bayad ang tawag
Na-update ng Abril 10, 2020
Karamihan sa mga tao (mahigit 80%) ay magkakaroon ng bahagyang karamdaman at hindi mangangailangang pumunta ng ospital.
Mapapangasiwaan niyo ang mga sintomas sa bahay sa pamamagitan ng:
Para sa karagdagang impormasyon kung paano mapapangasiwaan ang mga sintomas, i-click ito.
Habang ginagawa po natin ang mga ito, bantayan niyo kung kayo ay nakakaranas ng mga sumusunod:
Ito ay mga malubhang sintomas. Tawagan ang lokal na BHERT o ang DOH hotline - (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network subscribers. Tutulungan ka nila kung kailangan mo ng medikal na atensyon at kung kailangan mai-refer sa pinakamalapit na ospital.
Kailangan tawagan ang iyong lokal na BHERT kung:
Maaari ding tawagan ang DOH COVID Hotline.
Kailangan tawagan muna ang BHERT:
Na-update ng Abril 21, 2020
Sa ngayon, wala pang lunas para sa COVID-19 subalit maaaring gamutin ang inyong mga sintomas upang mapabilis ang inyong paggaling sa COVID-19. Karamihan sa mga tao (mahigit 80%) ay magkakaroon ng bahagyang karamdaman at hindi mangangailangang pumunta ng ospital.
Kung may nararamdamang sintomas, kumonsulta sa isang healthcare worker upang kayo ay magabayan ng sapat at tama. Papayuhan kayo kung anong home treatment ang maaari ninyong gawin o ia-advice kayong pumunta sa isang temporary treatment and monitoring facility sa inyong lugar. Hindi kinakailangang pumunta agad sa hospital kung hindi naman malala ang inyong symptoms. Uminom lamang ng gamot na inireseta sa inyo ng healthcare worker na inyong kinonsulta. Huwag po uminom ng antibiotics at iba pang gamot kung walang payo mula sa kanila.
Ang lahat ng iba pang mga paraan ng paggamot ay hindi pa naaprubahan o itinataguyod ng WHO at DOH. Bisitahin ang Fact Check page ng website na ito upang mapatunayan ang mga tsismis na nababasa online.
Kung ikaw ay may lagnat, maaaring gawin ang mga sumusunod:
Kung meron po kayong ubo at sore throat:
Habang ginagawa po natin ang mga ito, bantayan po natin kung tayo ay nakakaranas ng mga sumusunod:
Ito ay mga malubhang sintomas. Tawagan ang lokal na BHERT o ang DOH hotline - (02) 894 COVID (26843) o 1555 para sa lahat ng network subscribers. Tutulungan ka nila kung kailangan mo ng medikal na atensyon at kung kailangan mai-refer sa pinakamalapit na ospital.
Na-update ng Abril 22, 2020
Sa telemedicine, maaaring makipag-usap sa mga doktor para sa libreng* konsultasyon anumang oras sa pamamagitan ng telepono o online.
24/7 DOH COVID-19 Hotline |
02-894-COVID (02-894-26843) 1555 para sa lahat ng network subscribers |
Telimed Management Inc. and Medgate Hotline |
02-8424-1724 |
Globe Telehealth, Inc. (KonsultaMD) |
02-7798-8000 |
CloudPx by Xynapx Inc. |
|
SeeYouDoc (mobile app also downloadable at iOS or Google Play) |
|
HealthNow |
Ang mga hotline ay magagamit 24/7.
Maaaring tumawag ang kahit sino sa loob ng NCR at kumonsulta sa doktor nang libre* kung hindi emergency o banta sa buhay ang karamdaman. Kung nasa labas ng NCR, maaring pumunta sa telemedicine websites.
Kung may emergency, mangyaring pumunta sa ospital.
Tawagan* lamang alinman sa mga numerong ito:
Maari ring pumunta sa mga sumusunod na websites upang magpakonsulta o magiskedyul sa mga doktor gamit ang video call:
Sagutin nang tapat ang tanong ng mga doktor at sundin ang kanilang payo.
Kung kinakailangan mong personal na matingnan ng doktor, ire-refer ka sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.
Ang mga kinikilalang telemedicine providers ng DOH ay rehistrado sa National Privacy Commission (NPC). May ipinapatupad silang mga panuntunan upang pangalagaan ang iyong karapatan ukol sa data privacy, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Ang telemedicine providers ng Telimed Management Inc. at Medgate, kasama ang Global Telehealth Inc. (KonsultaMD) ay kinikilala ng DOH at lisensyadong magbigay ng telemedicine consultations.
*Maaaring may bayad ang tawag
Ang mga BHW ay katuwang ng komunidad sa:
Bilang bahagi ng team na nag-aasikaso sa mga Temporary Treatment and Monitoring Facility, ang mga BHW ay inaasahang magsasagawa ng sumusunod:
Na-update ng April 21, 2020
Kinakailangan mong madala sa isang Level 2 o 3 na ospital kung:
Paalala: Kailangan ipaalam sa inyong BHW o BHERT bago pumunta sa nararapat na health facility. Kinakailangan munang ma-abisuhan ang ospital na tatanggap sa pasyente.